Ayokong Magpasko

Ilang oras na lang at darating na nag araw na hinihintay mo bawat taon.

Dumadampi na ang lamig ng hangin sa iyong katawan.

Tuwing umaga ay nagigising ka ng bawat kalembang ng kampana ng simbahan.

Naririnig mo na ang himig ng mga batang nangangaroling sa bawat bahay.

Pero sa kabila ng lahat, tila kabaligtaran ang aking nararamdaman.

Parang may parte ng puso ko na nagsasabi na parang ayaw ko pang magpasko.

Ayokong magpasko hindi dahil mabilis naglaho na parang bulang ang 13th month pasko.

Ayokong magpasko hindi dahil mararanasan mo na naman ang traffic dulot ng christmas rush.

Ayokong magpasko hindi dahil mahirap pumili ng pangregalo sa mga taong mahal mo.

Sabi sa isang kanta, ang nagsindi nitong ilaw ay walang iba kundi ikaw.

Pero paano kung meron ng iba?

Paano kung hindi na ikaw ang ilaw ng buhay namin.

Paano kung kasabay ng pagbalot sa mga regalo ang pagtago sa tunay na dahilan ng selebrasyon na ito?

Maaring masaya ang araw na ito, pero alam pa ba natin kung anong rason ng araw na ito?

Ayokong magpasko ng hindi Ikaw ang dahilan.

Ayokong ibaon sa limot ang rason kung bakit may pasko.

Ipaalala mo sa amin na ang araw na ito ay dahil sa pagibig Mo sa amin.

Sa araw na ito, ibinigay Ka ng iyong ama samin para iparamdam kung gano nyo kami kamahal.

Hindi Ka Niya ipinagdamot sa amin para sa aming kaligtasan.

Sa bawat saglit, hindi kami kinakalimutan.

Sa bawat saglit, hindi kami iniwan.

Kaya ngayong pasko, Ikaw ang tanging magiging rason.

Sa pamamagitan ng araw na ito, natutunan ko ang tunay na kahulugan ng pagmamahal.

Pagmamahal na hindi mamumuhay para sa sarili lamang, ngunit para rin sa iba.

Kaya simula ngayon, ayaw ko nang magpasko kung hindi lang Ikaw ang magiging dahilan.

Puso, Wag kang Bumitaw. (A Note to Self)

Malayo na ang ating narating, marami na tayong pinagdaanan, ngayon ka pa ba susuko-Alam kong matagal na tayong hindi nag-uusap, matagal na rin noong huli kitang tinanong kung kamusta ka na. Palagi tayong magkasama pero nakalimutan na ata kitang mahalin kung paano tayo unang magmahalan.

Alam kong napapagod ka na sa mga bagay na alam kong hindi mo ginusto. Marahil ang pakiramdam mo ngayon ay iniwan na kita kagaya ng maraming tao na minsan mo na rin minahal. Pero ikaw ay nanatili sa akin. Pinili mo pa rin ang manatili kahit alam kong ikaw ay unti unti na rin nauubos. Minsan pa ay ipinakita mo sa akin ang kagandahan sa pananatili, na meron Grasya sa pananatili.

Sobra kitang hinahangaan dahil patuloy kang bumabangon sa isang laban na alam mong dehado ka. Lagi mong sinasabi sa akin na sa isang mundong walang katiyakan, Siya lang ating kasiguraduhan. Tanging grasya lang ang magiging sandata at sandalan natin sa misyon na ito.

Patuloy mo akong sinamahan sa isang paglalakbay ng buhay. Tinuruan mo akong maglakad sa karagatan kahit na madilim ang paligid. Alam mong ito ang isa sa mga pinakanakakatakot kong ginawa pero patuloy kang kumapit. Kumapit ka sa Kanya dahil alam mong tinatawag ka Nya. Sinabi Nya magtiwala ka sa Kanya dahil hindi ka nya iiwan at ito nga ang ginawa mo, nagtiwala ka sa himala na kaya Nyang gawin.

Puso, salamat sa pananatili at pagtitiwala sa kung anong kaya nating marating ng magkasama. Salamat sa pagpapakita na kahit gaano man kataas ang bundok ng problema ay kaya itong patagin ng Kapitan ng buhay natin. Alam natin na Sya ang may hawak ng manibela ng sinasakyan natin sa byahe na ito kaya ako ay patuloy na maniniwala sa magandang dulo na meron tayo. Gaano man kalayo at katagal ay hindi ako matatakot dahil kasama kita.

Pero meron akong isang hiling sayo, Puso, wag ka munang bumitaw. Nahihirapan akong makita kung paano mo sila minamahal ng buo pero kahit piraso ay hindi nila kayang ibalik sayo. Ipinapakita mo sa karamihan kung gaano ka kalakas at kasaya pero tayong dalawa lang ang nakakakita sa pagiyak mo sa gabi dahil wala kang ibang malabasan ng mga dinadala mong pighati.

Palagi kang nagbibigay kahit wala naman pumupuno sa pagkaubos mo. Patuloy ang pagngiti mo para lang mabawasan ang lungkot na dinadala nila. Masakit sa akin na makita na sa tuwing binibigay mo ang sarili mo ng buo sa kanila, ang tanging kapalit nito ay sakit at pagtanggi.

Pero wag kang mag-alala, kahit pakiramdam mo ay hindi ka kamahal mahal, andito pa rin ako para ibigin ka.

Mahal kita sa iyong pagkabuo at kahit sa pagkawasak.

Mahal kita higit pa sa makamundong pagmamahal na kaya nilang ibigay sayo.

Mahal kita dahil labis ka rin magmahal.

Mahal kita dahil katulad mo rin Siya kung paano magmahal.

Malayo na ang ating narating, marami na tayong pinagdaanan, ngayon ka pa ba susuko?

Puso, kapit lang dahil hindi pa tapos ang magandang istoryang itinakda para sa ating dalawa. Kasabay ng pagkapit mo ay ang pangakong walang iwanan.

Pangako, hindi kita iiwan.

 

Para sa Dalawang Babaeng Patay na Patay sa akin

Kahit gaano ka nasaktan ay piliin mo pa rin ang magmahal dahil kahit kelan hindi magiging mali ang magmahalSa unang beses na tayo ay nagtagpo, tumibok na ang puso ko. Alam kong ganun din sayo.

Ang taglay mong kagandahan ay kayang tibagin ang kahit anong pader, gaano man kalaki o kalapad.

Pinasok mo ang puso kong matagal nang naging bato, pinalambot mo ito para muling makadama ng pag-ibig.

Naging masaya ang bawat araw sa ating dalawa. Sa loob ng isang taon na pagsuyo ay hindi ako nakadama ng pagkapagod dahil alam kong sulit lahat ng hirap kung ikaw naman ang hinihintay sa dulo.

Alam kong tayo ay itinadhana ng mundo, sayo ko unang naramdaman kung paano magmahal. Handa na akong makasama ka sa mga susunod na kabanata ng aking buhay.

Kaya noong ibinigay mo ang matamis mo na OO ay ako ang pinakamasayang lalake sa mundo, pero di ko akalaing matatapos din ang lahat ng ligaya na aking tinatamasa.

Kasabay ng iyong OO ay isang balita ang aking natanggap mula sa iyong ina. Ito ay isang hiling na pasayahin ka sa mga nalalabi mong oras sa mundo.

Hindi ko alam kung paano tatanggapin ang balita na ito pero wala akong magawa sa tinadhana sa ating dalawa. Masakit ang bawat araw na binibilang na kasama ka. Kailangan kong magpakatatag at hindi ipakita sayo kung gaano kasakit na unti unting makita na ikaw ay mawawala na sa akin.

Ipinagpatuloy ko ang buhay kasama ka. Ipinaramdam sayo na tanggap ko na kung ano man ang mangyari. Kahit mahirap tanggapin ay kinailangan ko para hindi ka na rin mahirapan.

Dumating na nga ang araw na kinakatakutan ko, kasabay ng pagkanta ng Hale ng “The Day you said Goodnight” ay ikaw ay tuluyan ng nagpaalam.

Doon ko unang naramdaman kung gaano kasakit ang magmahal. Yung tipong kahit ibigay mo ang sarili mo ng buong buo pero kung di talaga kayo tinadhana ng universe ay tuluyang syang mawawala sa mga piling mo.

Hindi naging madali ang lahat pero kailangan kong ipagpatuloy ang buhay na wala ka na, dahil alam ko; ito rin ang gusto mong gawin ko. Pero hindi ko akalain na posible pa rin na tumibok ang puso ko na tila namatay na kasabay ng pagkawala mo.

Matagal ko na syang kilala, parehas namin hilig ang magsulat ng kung ano ano, mapa-tula man yan o kahit mga kanta na sya ang nagbibigay ng mga tono.

Alam kong matagal na syang may tinatagong sakit at alam kong pwedeng mawala rin sya anumang oras. Pinigilan ko ang sarili na mahulog sa bitag ng tinatawag na pag-ibig. Ayoko na ulit masaktan at mawalan. Ayoko na ulit pagdaanan ang mga pinagdaanan ko noon.

Pero sabi nga ng marami, kapag tumibok ang puso, wala ka ng ibang magagawa kundi sundin ito. Hindi ko na mapigilan ang sarili na hindi mahulog sa kanya kahit alam kong kapalit nito ay panibagong pighati na pwedeng danasin.

Sa panibagong yugto na ito, wala akong ibang ginawa kundi mahalin sya kahit maubos ang sarili. Ipinadama ko sa kanya na hindi ko sya susukuan kahit na ilang beses nya na gustong bumitaw. Ipinakita sa kanya kung gaano kaganda ang buhay kahit nahihirapan makita ang bahaghari ng bawat umaga.

Kasabay ng bawat umagang dumadating sa amin ay ang aking paghahanda sa panibagong laban na alam kong magiging talunan din ako sa dulo.

Naalala ko ang huling gabi na kami ay magkasama, kinakanta nya sa akin ang kanta ng Spongecola na Jeepney, sa ilalim ng mga bituin sa kalangitan. Kitang kita ko ang ningning sa mga mata nya nung gabi na yun. Alam kong may magandang bukas na maghihintay sa amin.

Pero nang umaga na dumating, gumising ako at may kaba sa akin habang sya ay pupuntahan. Nilapitan ko ang kanyang kama para sya ay gisingin pero tila wala ata syang naririnig. Pinilit ko syang gisingin pero habang hawak ko ang mga kamay nya ay di ko na maramdaman ang pintig ng kanyang mga pulso.

Unti unti na tumulo ang mga luha ko dahil alam kong iniwan na rin nya ako. Nabasag ulit ang puso ko na minsan ko ng sinubukan buuin ulit. Masakit pala maiwan sa pangalawang pagkatataon ng taong nagturo sayo na maniwala pa rin sa pag-ibig.

Gusto kong humingi ng patawad sa inyong dalawa.

Patawad sa mga ipinangakong bituin na hindi ko nasungkit para sa inyo pero ngayon kayo na ang mga bituin na patuloy kong tinitingala sa langit.

Patawad sa pangakong hindi ko kayo iiwan dahil alam kong hindi ko na kayo makakasama muli.

Patawad sa pangakong hindi ako masasaktan kapag nawala kayo, kasi hindi ko mapigilan ang umiyak dahil sa sakit na dinulot nito sakin.

Lumipas na ang maraming taon at kung babalikan ko pa rin, gusto ko pa rin na hindi kayo nawala. Pero gusto kong magpasalamat sa inyong dalawa.

Salamat kasi tinuruan nyo ako kung paano magmahal. Kahit gaano ka nasaktan ay piliin mo pa rin ang magmahal dahil kahit kelan hindi magiging mali ang magmahal.

Salamat kasi pinakita nyo sa akin kung paano maging matapang sa mundong puno ng takot at pag-aalinglangan.

Salamat kasi ipinadama nyo sa akin kung gaano ako kahalaga sa piling nyo.

Kaya para sa dalawang babae na patay na patay sa akin,

mali;

para sa dalawang babae na namatay at mananatiling buhay sa puso ko,

Hindi ako magsisisi na minahal ko kayo. Na kahit ang sakit sakit ay pipiliin ko pa rin na mahalin kayo ng paulit ulit at hindi na magbabago na malaki kayong parte ng puso na ito na handa ng umibig ulit.

Dahil Sayo, Para Sayo

Untitled design (1)

God: Sa wakas, nagkita na muli tayo.
Kasabay ng mga ibon na humuhuni,
naririnig ko ang boses mo.
Sumikat na muli ang araw na matagal nang nagtatago sa kadiliman.
Muling pumintig ang puso na matagal nang nanabik sa iyong pagbalik.
Paulit ulit na binibigkas sa aking mga labi na mahal kita.
Mahal kita.
Tama ang iyong narinig,
Mahal kita.
Simula pa lang ng iyong unang paghinga sa mundo,
Minahal na kita.
Hanggang ngayon
Mahal pa rin kita.
Sister: Matagal ko ng alam ang tungkol sayo.
Alam kong kasama kita sa lahat ng oras, naghihintay at nagmamatyag.
Nagtatanong kung nasan na ko, kung mahal pa ba kita o bakit ako lumayo.
Hindi napapagod para lang maramdaman ko ang tinatawag mong pagmamahal
ALL: Pagmamahal
Brother: Na handang ibigay ang lahat kahit ubos ka na.
ALL: Pagmamahal
God: Na hindi magbabago ngayon, bukas at kailan pa man.
ALL: Pagmamahal
Sister: Na hindi magtatanong ng bakit at paano kundi iintindihin ang bawat bakit at paano.
ALL: Pagmamahal
God: Na hindi magsasawang ipaalala sayo na mahal kita at ikaw ay mahalaga.
ALL: Pagmamahal
Brother: Na laging uunawa kahit mahirap unawain
ALL: Pagmamahal
God: Na kayang tiisin ang bawat hagupit ng latigo saking mga katawan
ALL: Pagmamahal
Sister: Na Hinding hindi ka iiwan
ALL: Pagmamahal
God: Na handang yakapin ang krus makita ka lang masaya.
ALL: Pagmamahal
Brother: Na handa kang palayain kahit ang hirap hirap
ALL: Pagmamahal
God: Na handang magpapako at mamatay para sayo

Brother: Minsan na akong nawala.
Hindi alam kung saan patungo ang landas na tinatahak.
Sinubukan ang lahat para lang maging masaya.
Pero patuloy na nabigo dahil walang nakuhang ligaya.
Hindi ko alam kung bakit ako nananatili dito
dahil ang alam ko ay matagal na akong iniwan ng mundo.
Napapagod na ako na tumakbo papalayo sa buhay na hindi ko ninais.
Pagod ng maniwala sa pag-asa at pag-ibig
dahil kung totoo man yan ay bakit andito ako sa kawalan.
Pinipilit ko na maging malakas sa mata ng maraming tao
dahil sabi ng mundo, hindi raw umiiyak ang tunay na lalaki.
Naranasan kong masukat sa kung anong kaya kong ibigay
pero wala bang nakaisip na ubos na ubos na ko.
Palaging may dapat patunayan ang pusong nadudurog na.
Palaging hindi sapat ang sapat na para sakin.
Hanggang kelan ako maghihintay
na matanggap ng mundo
ang pusong malapit nang bumigay.
Gusto ko na sana sumuko pero ikaw ay natagpuan.
Simula ng magtagpo, nagbago ang lahat.
Naramdaman ko kung paano mahalin at magmahal.
Sinamahan mo kong talikuran ang mundo at
pinatunayan sakin na ang pagmamahal mo ay wagas.
Naramdaman ko na sa mga mata mo na ako ay di patapon,
na ang mga plano mo para sa akin ay maganda.
Pinulot mo ako mula sa basurahan
Para maipwesto sa iyong kaharian.
Niyakap mo ako ng mahigpit para
hindi na makaramdam ng sakit.
At sa tuwing nanghihina ako,
Pinatunayan sakin na mas malakas ka.
Mas malakas pa sa mga alon ng dagat.
Ikaw ang sandigan, sandalan at sandata ko,
sa laban na alam kong matagal mo ng ipinanalo.
Salamat sa pagpapatunay na Ikaw lang ay sapat na.
Sapat na para hindi mangamba
sa mga bagay na walang kasiguraduhan.
Salamat dahil minahal mo ako ng paulit ulit at walang kapaguran.
Dahil Sayo, Para Sayo, Ang iyong anak ay handa ng lumaban.

Sister: Mahal kita pero pagod na ako.
Minsan na akong nagkamali sa pagmamahal.
Maubos na parang kandila, matapos maibigay ang lahat.
Naranasan kong hindi maging sapat sa mundong puno ng pag-aalinlangan.
Kinalimutan ang sarili para lang makapasok sa kagustuhan.
Pero katulad ng karamihan, ako ay nabigo.
Minsan pala hindi sapat ang salitang “mahal kita” para manatili
dahil kagaya ng iba ay iniwan mo rin ako.
Akala ko ba walang iwanan,
pero bakit naiwan akong mag-isa
Kaya ko pa ba?
Tinatanong ko ang sarili ko kung kaya ko pa ba,
Na magmahal at magbigay kahit ubos na ako.
Kaya ko pa ba na hindi bumitaw
kahit ang sakit sakit na.
Kaya ko pa ba na manatiling maniwala
kahit ako ay puno ng pagdududa.
Paulit ulit akong tumitingin sa kalawakan
pero hindi ko na matanaw ang mga bituin
na sinabing susungkitin para sa akin.
Siguro nga hindi na ako dapat umasa pa
Na maramdaman mahalin ng buong buo
At walang hinihintay na kapalit.
Siguro hanggang dito na nga lang ang pusong pagod.
Pagod nang maghintay at umasa sa magandang istoryang itinakda para sakin.
Pero nagbago ang lahat simula
ng muling magkrus ang ating mga landas.
Paulit ulit na binibigkas ng mga bibig mo na mahal mo ako.
Minahal mo ako, at
Mahal mo pa rin ako.
Hindi nagbago ang pagmamahal mo para sakin.
Hindi mo ko binitawan kahit matagal na akong hindi kumakapit.
Patuloy kang naniwala sa atin,
Sa ikaw at ako.
Sa istorya natin dalawa.
Kung saan hindi mo ko iniwan,
kahit sa mga panahong akala ko wala ka na.
Pinakita mo sa akin kung gaano ako kaganda sa iyong mga mata.
Higit ang pagmamahal na kaya mong ibigay sakin.
Mas higit sa kung anong kayang ialay ng mundo.
Dahil Sayo, Para Sayo, Ako ay magmamahal na ulit.
God
Mahal kita.
At ang totoo ay hanggang ngayon mahal pa rin kita.
Hindi kailanman nagbago ang pagmamahal ko sayo
kahit ikaw ay ilang beses ng lumayo.
Naaalala mo pa ba noong unang beses kang tumayo sa youthcamp.
Kung saan sinabi mo na ako ay mamahalin ng buong buo.
Masaya ang bawat minuto na meron tayo
at damang dama ko ang bawat pintig ng puso mo.
Pero bigla kang nagbago,
simula ng maramdaman mo
na hindi ako sapat sayo.
Ang bawat pangako ay kinalimutan
dahil masaya ka na kasama ng iba.
Akala ko ba sapat na ako sayo
ngunit bakit bigla ka na lang umalis.
Pero wag kang mag-alala
dahil andito pa rin ako.
Naghihintay pa rin sa pagbabalik mo
At sabihin na mahal kita anak.
Walang distansya ang kayang magpalayo sa ating dalawa.
Patuloy kitang hahabulin
Kahit gaano man kalayo ang tatahakin.
Patuloy akong mangangarap para sa atin.
Dahil naniniwala pa rin ako na merong tayo.
Na ikaw at ako ay iisa.
Sa isa pang pagkakataon, samahan mo ako.
Ipapakita ko sayo kung gaano kaganda ang mundo.
Kung gaano kasarap magmahal.
Ikaw ay ang pinakamahalagang parte ng aking buhay.
Papatunayan ko sayo na hindi kita iiwan.
Iwan ka man ng mundo ay
mananatili akong nakatayo para sayo.
Para sayo, kahit gaano kabigat na krus ay kayang buhatin.
Dahil ito ay hindi krus ng pasakit
Kundi ito ay krus ng pangako na hindi ka na ulit mag-iisa.
Dahil sayo, para sayo; mananatiling matibay.
At sa huli ang isisigaw ko ay mahal kita. Ngayon, bukas at kailanpaman.

Sister: Ngayon, Bukas at Kailanman
Handa na akong magmahal.
Dahil alam kong hindi mo ako iniwan.
Kasabay ng mga awit ng anghel sa langit,
Isisigaw ko kung gaano kita mahal.
Mahal kita at hindi na magbabago yun

Brother: Ikaw ang kasiguraduhan ko.
Ang lunas sa bawat sugat ng kahapon.
Ang ligaya sa bawat hapdi.
Ang pahinga ko sa kapaguran ng mundo.
Pinatunayan mo na ako ay hindi kapalit palit sa puso mo
At pinalaya ako sa ingay ng mundo.

God: Para sayo, gagawin ko ang lahat.
Walang anuman laban ang hindi ko kayang ipanalo para sayo.
Wala kang dapat ipangamba,
Dahil ako ay higit pa sa matataas na alon na iyong nilalangoy.
Ang mga bundok ng mga problema ay matagal ko ng pinatag.
Dahil sa lahat ng hirap at pasakit,
Ikaw ang pinakamahalagang premyo.
Sa iyong pagbalik ako ay nagwagi,
Sa isang laban na hindi ko sinukuan.
Dahil sayo, Para sayo, mamahalin ka ng habambuhay.

Brother: Dahil Sayo, hindi na muling maliligaw!
Sister: Para Sayo, hindi na ulit lalayo pa!
God:Dahil sayo, para sayo, hindi na muling mag-iisa!
Brother: Ngayon di na muling magdududa.
Sister: Lahat tayo ay mahalaga
Brother:
Ikaw ay maganda!
Katulad ng kagandahan ni Maria
Sister: Hindi ka mahina
Dahil ikaw ay mas malakas pa sa mga leon sa kagubatan
God: Ako’y mananatili at hindi matitinag sa pagmamahal sa inyo.
Kayo ang dahilan kung bakit andito pa rin ako at hindi sumusuko na mahalin kayo
Brother: Ikaw ay kamahal mahal
Hindi lang dahil sa kung anong meron ka kundi dahil sa iyong kabuuan.
Sister: Hindi ka talunan
Dahil ikaw ay nanalo na simula ng isuko ang lahat para sa Diyos
God: Ako ang unang nagmahal sayo at walang hanggan na magmamahal sayo.
Brother: Hindi ka nagkulang dahil ikaw ay higit na mahalaga sa kung anong kaya mong isipin.
Sister: Hindi ka duwag dahil ikaw ang isa sa pinakamatapang na anak ng Diyos.
God: Kahit kailan hindi ako nagkamali na piliin kayo dahil kayo, kayo ang
pinakamahalagang prinsipe at prinsesa sa aking kaharian. Maniwala ka, habang buhay kitang sasamahan.
ALL:
Hindi malilimot, hindi magbabago.
Dahil Sayo, Para Sayo.

Almost a Love Story

Matt-Sarah-Love-Story-Beach-San-Diego

I am a hopeless romantic person. I do believe in fairy tales where the prince will live happily ever after with his princess. I believe in God’s timing in finding the one destined for us. The one who will journey with us for the rest of our life.

For almost 3 years, I am praying for a lady that I want to be with and get married to. I prepared myself to be the best man for her. I undergo all the process just to be purified and be sure of what I am feeling. The journey is a roller coaster ride, it is a mixture of joy and sadness, of closeness and awkwardness.

But I never imagine myself that I will be put in a situation where everything that I’ve prayed for will not be answered the way I wanted. God told me that “She’s not the One” and it breaks me into pieces. How come that God will not grant something I desired for a long time already. There’s a feeling inside of me that I’ve just waited in vain. That everything was put into waste. Despite of this heartbreak, God opened me into His grace again, to understand what I cant comprehend, to feel the comfort in His great plans for me.

God revealed to me that everything I am experiencing is His redirection to me. The journey teach me to become a better man and to handle things not just based on emotion but on God’s willing. It allows me to be patient in unfolding His plans for me. I realized also that in pursuing a relationship, we must improve ourselves to be a better person for him/her but not to the point you are losing your identity. When we fall in love with someone, we must also accept his/her flaws. Our relationship must not focused on our ideal standards rather on how you can grow together.

At the end of the day, I know that I am at peace in putting a period to our almost love story. I have to let you go even if you are not mine at the first place. I have to move on if there’s no us. I have to give an ending to the story that was never started. I have to accept that you are not the Princess in the fairy tale that God has written for me.

I have to accept that you are not the Princess in the fairy tale that God has written for me.

I don’t care if I have to start all over again in finding and praying for the princess that God has prepared for me. I would always take the risk just to have a happily ever after with the lady that I am destined to. 

Ikaw at Ako ay Iisa

Namulat ako sa isang mundo na tila napupuno ng kagandahan.

Kung saan normal lang ang isipin ang sarili.

Na ang tanging rason lang ay ang mabuhay para mapasaya ang sarili.

Ang bawat araw ay may lagi akong gustong patunayan.

Gusto kong ipakita na kaya ko ang lahat ng bagay kahit walang tulong ng iba.

Gagawin ko ang lahat upang makamit ang mga pangarap,

Kahit na ang katumbas nito ay makasakit ng iba.

Wala akong pakialam kung may matapakan man ako,

ang mahalaga ay makatugon ako sa tawag ng mundo.

Na maging matagumpay at sikat sa maraming tao.

Pero unti unting nagbago ang konsepto ko sa buhay na meron ako,

simula ng pumasok ako sa pinto ng tinatawag nyong pagmamahal.

Naranasan ko ang mabigyan ng importansya ang bawat ginagawa.

Na mahalin ka ng buong buo,

pero di ko inaakala na ito rin ang magpapawasak sakin.

Simula ng ibigay ko ang sarili ko ng buong buo, ngunit wala naman naibalik.

Na ang bawat patak ng luha ay dahil sa inyo.

Masakit pala ang tinatawag nyong pagmamahal.

Masakit dahil iniiwan ka lang.

Masakit dahil pinapaasa ka lang.

Masakit dahil paulit ulit kang paiikutin

Masakit dahil ikaw na lang ang nagmamahal.

Masakit dahil alam mong sa huli ay masusugatan at magiging talunan lang din sa huli.

Gusto ko na sanang sumuko pero nagbago ang lahat ng Ikaw at Ako ay naging Isa.

Pinag-isa ng pagibig nating dalawa.

Pinag-isa ng pangakong walang iwanan.

Pinag-isa ng mga pangarap na tila wala ng wakas.

Sayo ko naramdaman kung ano ang tunay na pagmamahal.

Pagmamahal na iibigin ka ng buong buo.

Pagmamahal na walang hinihintay na kapalit.

Pagmamahal na handang masaktan, magpatawad at kalimutan ang lahat.

Andyan ka palagi para punasan ang bawat luha ko,

Papasayahin mo ko kapag nalulungkot ako,

At hinding hindi ako iiwan kahit iwan ako ng mundo.

Kaya nung ako’y tinawag para magmahal ay agad akong sumagot.

Natatakot man ako at hindi alam ang gagawin ay sumagot ako.

Dahil sa mundong walang katiyakan, ikaw ang nag-iisang kasiguraduhan ko.

Dahil sayo ay natutunan kong magmamahal,

simula nung ipakita mo sakin sa pamamagitan ng Krus ng Pagmamahal.

Na sa bawat pagpako at paghagupit ay ramdam ko kung gano mo ko kamahal.

Na kahit ang sakit-sakit ay binibigay mo pa rin ang lahat.

Kaya bakit ako matatakot kung alam ko namang kasama kita.

Na merong isang ikaw na hindi ako iiwan.

Na merong isang ikaw na mamahalin ako ng buong buo.

Na merong isang ikaw na kahit kelan ay di ako bibiguin.

Kaya ngayon alam ko na kung pano magmahal simula nung Ikaw at Ako ay naging Isa.

To the friend I wish I’m still with

Allow me to start this article with the verse coming from John 15:13. “Greater love has no one than this, that one lay down his life for his friends.” I could not imagine that this verse can actually happen in my life, and to be honest; this is one of the most heartbreaking moment in my life.

To see you dying in my own arms, trying to revive your breathe, and trying to ease every pain that you had; all of these are painful to me. I’ve tried to be strong and be brave but I know I’m just fooling myself, because deep inside I know everything is tearing apart. I wish I could do more just to save you but I know during that time I am not in control.

The moment you closed your eyes,I knew it was already the finish line of your journey. It’s painful to see you in that situation. I wish that I could give you my life just like what you did for me.

You’ve been a good friend to me and you are a great loss to me. Every night, you are still in my dreams and I could not help myself but to cry and be hurt.

I know that you are unhappy seeing me in this kind of posture. I’m hurt, broken, and depressed but whatever happens, I believe there is God who will continue to journey with me. I know that in every pain that I am suffering, He will carry me through.

My friend, I will be okay soon. Don’t worry, in God’s time I would be able to forget every pain of your loss and what will remain in my heart are the happy memories that we had. I will continue to live for the dreams that we had. But please, continue to pray for me in heaven, that I may be able to surpass these challenges that I have and to endure every pain that I am suffering. I missed you already.I still wish that you are with me but I know that you are happy wherever you are right now.

When Loving you means Letting Go

How far love can goes?

How much love can endures?

How come a love that is so beautiful will have an end?

We are all dreaming of having a perfect relationship, a perfect life with our love ones. But the reality is, it may not happen. It may not happen because we are too focused on making it perfect rather than cherishing every bit of it.We are bounded by our own limitations in giving the best love that he/she deserves.

There are times that we will be in a state of giving up our relationships. Giving up because of the things that we are considering important than what we have right now. Giving up because of the pains that we suffered. Giving up for the reason that we are afraid of the uncertainties in our life. However, beyond our reasons to give up, there will always be a reason to stay, it is the love that we have for him/her. For us to have a good foundation of love, we must be able to let go of somethings that are not necessary in our relationships. Thus, sometimes “Loving you means letting go”.

Loving you means letting go of my fears and worries. There are times that I am afraid of the uncertainties that we have. I have many what if’s in my life. Sometimes I dont want to ask question because I am afraid of the answer. Beyond these fears and worries that I have, there is one thing that I am most afraid of, it is losing you in my life.

Loving you means letting go of my insecurities and frustrations. I have my own share of weaknesses.I have a lot of imperfections and flaws.Indeed, I’m not the perfect man who suits you. Maybe, I will not pass all your standards in looking for your Mister Right. One thing I can promise you, that I will love you the best way I know.

Loving you means letting go of my pains and hurts. I might made mistakes in the past and it could have hurt you so much. I may have decisions that could have caused you pains. I may not easily recognize it but I am really sorry about this. On the other hand, I maybe hurt also with your actions and decisions but what we can do right now is to forget all these pains, forgive each other and start creating new magical moments again.

Truly, we might have shortcomings with our relationships, difficulties in dealing with each other and promises that had been broken. But what is important right now is letting go of the past and allowing ourselves to love and be loved again. It is in our capacity to let go that we will able to acknowledge our capacity to love more.

You are Worth Waiting

image

When the Lord asked me to wait and be patient for the lady that I am praying for, I was not able to easily accept that request from God. I am thinking why the Lord is asking me to do that, where in fact, I can easily tell the girl that I like her. However, this process of waiting leads me to learn different lessons in life.

1. In waiting, the Lord prepared me to be the best man that she deserves. As the days pass by, I know that God purified my intentions, rejected all my ego and pride, and pushed me of my limits. I almost gave up and tempted to stop but the Lord reminded me that all these hardships I experienced are just part of the preparation of the Lord for me. He constantly reminds me that you are worth pursuing. Sabi nga nila, “kung mahal mo ay dapat handa kang mahirapan”. Love will not always be a bed of roses, sometimes it is full of thorns and you have to endure every pain in order for you to be the best version of yourself that she deserves.

2. It is not enough that you like her, you should be sure that you LOVE her. In this journey, the Lord allowed me to be sure of what I am taking. He wants me to be sure of the life I am choosing. He wants me to go deeper with my feelings, is it just mere attraction or something that is worth fighting for? Maybe liking her is just a first step, but as we go to the journey, we should be able to realize that loving is different from liking. To love is to be able to accept all that she possessed, whether it is likeable or not.

3. The waiting process might took long but the output will lasts forever. It took me years to finally get the God’s go signal  but I’ll never regret of waiting for it. I know that in waiting, the Lord wants me to prepare for something that will lasts for a lifetime. He makes me wait because He is wrapping very carefully the best gift that I could receive in my life.

4. You should deeply love God first before loving her. God will always comes first before everything. You will never know how to love someone if you dont know how to love God first. God is the perfect example on how to love, patient and selfless. Thus, it is important that a man loves God more than the girl that she is praying for.

5. As you are waiting, God is also preparing her. It is not just the man that the Lord is preparing before entering the relationship, He is also preparing the woman that you are praying for. He is preparing her to be your best partner that she could be. Someone that you can rely on, you can trust,  you can cry with and will love you for who you are. Dont worry if waiting will took you so long, because we all know that the Lord just wants the best for us and this is something that is worth waiting for.

By God’s grace, we know that in our journey, the Lord will not leave us; it is more important than thinking what could be the result of waiting. Positive or negative results, we know that God will always be with us so there’s nothing to be afraid of. He will grant the desires of our heart in his own time and waiting for it is the best way to show our intentions are pure.

At this moment, the only thing I could do is to put my trust to the Lord and pray to Him. I know that He is still wrapping the best gift that I could have and I’m willing to wait the day that He is giving you to me. You re precious and you alone is worth waiting for.