Gracious Ruins

For most of us, we find the year 2018 as a challenging one. It is like a roller coaster ride where we felt different emotions. We all have a share of happiness and pains, of victories and failures, and of achievements and disappointments.

This year, I have a lot of setbacks and downfalls because of wrong decisions. There are lot of times I need to restart my life just to be on track but I will get off track again. It seems that I am lost in a world that I once found comfort. But one thing I realized is that in our journey we will face many challenges that will crushed us, however, we should never give up on believing that God will help us to finish the race.

I could summed up my 2018 into two words: GRACIOUS RUINS. When we are talking about ruins, we usually refer it to something that has been destroyed, crushed and abandoned. Ruins can be seen as something worthless and useless, but if we will see it through God’s eyes, it is full of hope and promises. We know that God is a God of possibilities and He can turn our mess into something beautiful and meaningful. All we have to do is to cling on His promises and believe that we will see a rainbow after the storms in our life. Let us always believe that His grace will always be sufficient to finish the race that he has prepared for us.

At the end of our courage, let our heart find strength on God. Let’s cling on that God’s plan is always for our best. We may experience pains and heartbreaks but let us always go back to the love of God and the people that surrounds us because it will help us survived the journey even the most difficult one.

This Valentines, You are not Mine

You are not mine.

I have to accept the reality that you will never be mine fully. I know for a fact that you are deeply in love with him.

He is your ideal man and I am not even an inch of him.

He could offer everything in this world for you and I am just a poor man.

I know how much he loves you and i cant even surpass that.

He is with you every second of your life while we cant even meet every day.

I know that you will forever be his princess in his kingdom of love.

We both know that I can not be better than him but i continue praying to always have a love like him.

A love that will love you unconditionally and unending. A love that will accept not just the beauty in you but also the flaws and scars that you have. A love that will stand by you even in the midst of the strongest storm of your life.

The biggest truth that I already accepted since the beginning of our journey is you will be forever belong to God. Before there’s an us, we are already conquered by God’s grace.

So while we are waiting for the perfect moment for us, I am assured that you already experienced the greatest love with Him.

#DiKaCheap Chronicles: An Open Letter to the Brothers I’ve known

Dear Brothers,

In a fast paced world we are living, I know we tend to rush everything. We want to get everything we like in instant. Sometimes, we also rush in finding the perfect love. It is true that it is good to fall in love but let’s not settle to a cheaper love that the world is offering us.

Let us always remember that a perfect love is not a rushed one. It comes in God’s perfect timing wherein He knows you and Ms. Right will be ready to enter a relationship. For us to fully experience the best relationship that God has planned for us, all we have to do is to patiently wait and prepare. Waiting entails preparing yourself to be the best man for the princess that God wants you to be with. He wants you to be equipped not just with attraction but also with a clear intention to your princess.

While you are waiting, here are some of my brotherly reminders for you:

1. As a famous accounting principle says, “Don’t assume unless otherwise stated”. It’s not because you are sweet to each other doesn’t mean you can assume already that you have a special relationship with her. Before being intimate with a girl, make sure that you have a clear intentions with her. Don’t settle for a relationship that you have special feelings for each other but you cant commit with her. Man up and be brave to clear your intentions with her.

2.Rise above her standards but do not lose your identity. Women can be seem demanding especially when it comes to their ideal man. They have a high standards for their future husband to be and as a man we should strive to reach her standards. We must find ways to improve ourselves. Learn new things or skills that will help you become a better man. I believe that the best version of yourself is the man that your princess deserved. However, reaching her standards should not destroy our identity as a man. Do not lose your inner being just to impress her. Your princess deserves a warrior not a robot. It is not because we know her standards means we will change our totality as a man. If a woman really loves you, she should love not just your strengths but also your flaws.

3.Guard not just your heart but also your words and actions. In this world full of misleaders, be the mister leader who will lead her to be closer not just to your heart but also to God. Do not sway her with your sweet messages and actions, stand up and be man enough to know your limitations. Do not allow any girls fall in love with your actions if you know in yourself that you are not yet ready to commit with her. Before building a house of intimacy, lay a foundation of friendship with her first.

I know you are capable of doing great things. I believe that you can be the best version of yourself and be the best man for the girl that God has prepared for you. You are not just a warrior, you are also a prince of the King above and He will let you meet your princess in His time. And please remember, Love, before it became anything else; it is Patient.

Your brother in Christ,

Jv Monzon

Ayokong Magpasko

Ilang oras na lang at darating na nag araw na hinihintay mo bawat taon.

Dumadampi na ang lamig ng hangin sa iyong katawan.

Tuwing umaga ay nagigising ka ng bawat kalembang ng kampana ng simbahan.

Naririnig mo na ang himig ng mga batang nangangaroling sa bawat bahay.

Pero sa kabila ng lahat, tila kabaligtaran ang aking nararamdaman.

Parang may parte ng puso ko na nagsasabi na parang ayaw ko pang magpasko.

Ayokong magpasko hindi dahil mabilis naglaho na parang bulang ang 13th month pasko.

Ayokong magpasko hindi dahil mararanasan mo na naman ang traffic dulot ng christmas rush.

Ayokong magpasko hindi dahil mahirap pumili ng pangregalo sa mga taong mahal mo.

Sabi sa isang kanta, ang nagsindi nitong ilaw ay walang iba kundi ikaw.

Pero paano kung meron ng iba?

Paano kung hindi na ikaw ang ilaw ng buhay namin.

Paano kung kasabay ng pagbalot sa mga regalo ang pagtago sa tunay na dahilan ng selebrasyon na ito?

Maaring masaya ang araw na ito, pero alam pa ba natin kung anong rason ng araw na ito?

Ayokong magpasko ng hindi Ikaw ang dahilan.

Ayokong ibaon sa limot ang rason kung bakit may pasko.

Ipaalala mo sa amin na ang araw na ito ay dahil sa pagibig Mo sa amin.

Sa araw na ito, ibinigay Ka ng iyong ama samin para iparamdam kung gano nyo kami kamahal.

Hindi Ka Niya ipinagdamot sa amin para sa aming kaligtasan.

Sa bawat saglit, hindi kami kinakalimutan.

Sa bawat saglit, hindi kami iniwan.

Kaya ngayong pasko, Ikaw ang tanging magiging rason.

Sa pamamagitan ng araw na ito, natutunan ko ang tunay na kahulugan ng pagmamahal.

Pagmamahal na hindi mamumuhay para sa sarili lamang, ngunit para rin sa iba.

Kaya simula ngayon, ayaw ko nang magpasko kung hindi lang Ikaw ang magiging dahilan.

Puso, Wag kang Bumitaw. (A Note to Self)

Malayo na ang ating narating, marami na tayong pinagdaanan, ngayon ka pa ba susuko-Alam kong matagal na tayong hindi nag-uusap, matagal na rin noong huli kitang tinanong kung kamusta ka na. Palagi tayong magkasama pero nakalimutan na ata kitang mahalin kung paano tayo unang magmahalan.

Alam kong napapagod ka na sa mga bagay na alam kong hindi mo ginusto. Marahil ang pakiramdam mo ngayon ay iniwan na kita kagaya ng maraming tao na minsan mo na rin minahal. Pero ikaw ay nanatili sa akin. Pinili mo pa rin ang manatili kahit alam kong ikaw ay unti unti na rin nauubos. Minsan pa ay ipinakita mo sa akin ang kagandahan sa pananatili, na meron Grasya sa pananatili.

Sobra kitang hinahangaan dahil patuloy kang bumabangon sa isang laban na alam mong dehado ka. Lagi mong sinasabi sa akin na sa isang mundong walang katiyakan, Siya lang ating kasiguraduhan. Tanging grasya lang ang magiging sandata at sandalan natin sa misyon na ito.

Patuloy mo akong sinamahan sa isang paglalakbay ng buhay. Tinuruan mo akong maglakad sa karagatan kahit na madilim ang paligid. Alam mong ito ang isa sa mga pinakanakakatakot kong ginawa pero patuloy kang kumapit. Kumapit ka sa Kanya dahil alam mong tinatawag ka Nya. Sinabi Nya magtiwala ka sa Kanya dahil hindi ka nya iiwan at ito nga ang ginawa mo, nagtiwala ka sa himala na kaya Nyang gawin.

Puso, salamat sa pananatili at pagtitiwala sa kung anong kaya nating marating ng magkasama. Salamat sa pagpapakita na kahit gaano man kataas ang bundok ng problema ay kaya itong patagin ng Kapitan ng buhay natin. Alam natin na Sya ang may hawak ng manibela ng sinasakyan natin sa byahe na ito kaya ako ay patuloy na maniniwala sa magandang dulo na meron tayo. Gaano man kalayo at katagal ay hindi ako matatakot dahil kasama kita.

Pero meron akong isang hiling sayo, Puso, wag ka munang bumitaw. Nahihirapan akong makita kung paano mo sila minamahal ng buo pero kahit piraso ay hindi nila kayang ibalik sayo. Ipinapakita mo sa karamihan kung gaano ka kalakas at kasaya pero tayong dalawa lang ang nakakakita sa pagiyak mo sa gabi dahil wala kang ibang malabasan ng mga dinadala mong pighati.

Palagi kang nagbibigay kahit wala naman pumupuno sa pagkaubos mo. Patuloy ang pagngiti mo para lang mabawasan ang lungkot na dinadala nila. Masakit sa akin na makita na sa tuwing binibigay mo ang sarili mo ng buo sa kanila, ang tanging kapalit nito ay sakit at pagtanggi.

Pero wag kang mag-alala, kahit pakiramdam mo ay hindi ka kamahal mahal, andito pa rin ako para ibigin ka.

Mahal kita sa iyong pagkabuo at kahit sa pagkawasak.

Mahal kita higit pa sa makamundong pagmamahal na kaya nilang ibigay sayo.

Mahal kita dahil labis ka rin magmahal.

Mahal kita dahil katulad mo rin Siya kung paano magmahal.

Malayo na ang ating narating, marami na tayong pinagdaanan, ngayon ka pa ba susuko?

Puso, kapit lang dahil hindi pa tapos ang magandang istoryang itinakda para sa ating dalawa. Kasabay ng pagkapit mo ay ang pangakong walang iwanan.

Pangako, hindi kita iiwan.

 

Para sa Dalawang Babaeng Patay na Patay sa akin

Kahit gaano ka nasaktan ay piliin mo pa rin ang magmahal dahil kahit kelan hindi magiging mali ang magmahalSa unang beses na tayo ay nagtagpo, tumibok na ang puso ko. Alam kong ganun din sayo.

Ang taglay mong kagandahan ay kayang tibagin ang kahit anong pader, gaano man kalaki o kalapad.

Pinasok mo ang puso kong matagal nang naging bato, pinalambot mo ito para muling makadama ng pag-ibig.

Naging masaya ang bawat araw sa ating dalawa. Sa loob ng isang taon na pagsuyo ay hindi ako nakadama ng pagkapagod dahil alam kong sulit lahat ng hirap kung ikaw naman ang hinihintay sa dulo.

Alam kong tayo ay itinadhana ng mundo, sayo ko unang naramdaman kung paano magmahal. Handa na akong makasama ka sa mga susunod na kabanata ng aking buhay.

Kaya noong ibinigay mo ang matamis mo na OO ay ako ang pinakamasayang lalake sa mundo, pero di ko akalaing matatapos din ang lahat ng ligaya na aking tinatamasa.

Kasabay ng iyong OO ay isang balita ang aking natanggap mula sa iyong ina. Ito ay isang hiling na pasayahin ka sa mga nalalabi mong oras sa mundo.

Hindi ko alam kung paano tatanggapin ang balita na ito pero wala akong magawa sa tinadhana sa ating dalawa. Masakit ang bawat araw na binibilang na kasama ka. Kailangan kong magpakatatag at hindi ipakita sayo kung gaano kasakit na unti unting makita na ikaw ay mawawala na sa akin.

Ipinagpatuloy ko ang buhay kasama ka. Ipinaramdam sayo na tanggap ko na kung ano man ang mangyari. Kahit mahirap tanggapin ay kinailangan ko para hindi ka na rin mahirapan.

Dumating na nga ang araw na kinakatakutan ko, kasabay ng pagkanta ng Hale ng “The Day you said Goodnight” ay ikaw ay tuluyan ng nagpaalam.

Doon ko unang naramdaman kung gaano kasakit ang magmahal. Yung tipong kahit ibigay mo ang sarili mo ng buong buo pero kung di talaga kayo tinadhana ng universe ay tuluyang syang mawawala sa mga piling mo.

Hindi naging madali ang lahat pero kailangan kong ipagpatuloy ang buhay na wala ka na, dahil alam ko; ito rin ang gusto mong gawin ko. Pero hindi ko akalain na posible pa rin na tumibok ang puso ko na tila namatay na kasabay ng pagkawala mo.

Matagal ko na syang kilala, parehas namin hilig ang magsulat ng kung ano ano, mapa-tula man yan o kahit mga kanta na sya ang nagbibigay ng mga tono.

Alam kong matagal ka ng may tinatagong sakit at alam kong pwedeng mawala ka rin anumang oras. Pinigilan ko ang sarili na mahulog sa bitag ng tinatawag na pag-ibig. Ayoko na ulit masaktan at mawalan. Ayoko na ulit pagdaanan ang mga pinagdaanan ko noon.

Pero sabi nga ng marami, kapag tumibok ang puso, wala ka ng ibang magagawa kundi sundin ito. Hindi ko na mapigilan ang sarili na hindi mahulog sa kanya kahit alam kong kapalit nito ay panibagong pighati na pwedeng danasin.

Sa panibagong yugto na ito, wala akong ibang ginawa kundi mahalin sya kahit maubos ang sarili. Ipinadama ko sayo na hindi kita susukuan kahit na ilang beses mo na gustong bumitaw. Ipinakita sayo kung gaano kaganda ang buhay kahit nahihirapan makita ang bahaghari ng bawat umaga.

Kasabay ng bawat umagang dumadating sa atin ay ang aking paghahanda sa panibagong laban na alam kong magiging talunan din ako sa dulo.

Naalala ko ang huling gabi na kame ay magkasama, kinakanta nya sa akin ang kanta ng Spongecola na Jeepney, sa ilalim ng mga bituin sa kalangitan. Kitang kita ko ang ningning sa mga mata nya nung gabi na yun. Alam kong may magandang bukas na maghihintay sa amin.

Pero ng umaga na dumating, gumising ako at may kaba sa akin habang sya ay pupuntahan. Nilapitan ko ang kanyang kama para ikaw ay gisingin pero tila wala sya atang naririnig. Pinilit ko syang gisingin pero habang hawak ko ang mga kamay nya ay di ko na maramdaman ang pintig ng kanyang mga pulso.

Unti unti na tumulo ang mga luha ko dahil alam kong iniwan na rin nya ako. Nabasag ulit ang puso ko na minsan ko ng sinubukan buuin ulit. Masakit pala maiwan sa pangalawang pagkatataon ng taong nagturo sayo na maniwala pa rin sa pag-ibig.

Gusto kong humingi ng patawad sa inyong dalawa.

Patawad sa mga ipinangakong bituin na hindi ko nasungkit para sa inyo pero ngayon kayo na ang mga bituin na patuloy kong tinitingala sa langit.

Patawad sa pangakong hindi ko kayo iiwan dahil alam kong hindi ko na kayo makakasama muli.

Patawad sa pangakong hindi ako masasaktan kapag nawala kayo, kasi hindi ko mapigilan ang umiyak dahil sa sakit na dinulot nito sakin.

Lumipas na ang maraming taon at kung babalikan ko pa rin, gusto ko pa rin na hindi kayo nawala. Pero gusto kong magpasalamat sa inyong dalawa.

Salamat kasi tinuruan nyo ako kung paano magmahal. Kahit gaano ka nasaktan ay piliin mo pa rin ang magmahal dahil kahit kelan hindi magiging mali ang magmahal.

Salamat kasi pinakita nyo sa akin kung paano maging matapang sa mundong puno ng takot at pag-aalinglangan.

Salamat kasi ipinadama nyo sa akin kung gaano ako kahalaga sa piling nyo.

Kaya para sa dalawang babae na patay na patay sa akin,

mali;

para sa dalawang babae na namatay at mananatiling buhay sa puso ko,

Hindi ako magsisisi na minahal ko kayo. Na kahit ang sakit sakit ay pipiliin ko pa rin na mahalin kayo ng paulit ulit at hindi na magbabago na malaki kayong parte ng puso na ito na handa ng umibig ulit.